Takbo.ph Exclusive: 2011 Runner’s Horoscope

Happy New Year Runners.  Who knows what is in store for you in 2011?  Well, Takbo.ph Knows.  😀  I have consulted my ever reliable Crystalball and here is a fearless forecast for the runners in 2011.  Previous forecasts by my Crystalball has been fairly accurate.  But the predictions below are simply a guide for runners.  You have your free will.  Use it.  You have your feet.  Use it too.  😀

Crystalball was giving me the signs in Filipino.  It was difficult to write them down in Filipino but I hope I have taken them down correctly.

Aries Aries (Marso 21-Abril 19) – Madali kang magka-qualify sa Milo Finals kung ang edad mo ay 70 o pataas. Kung mas bata ka rito ay dapat ka mag ensayo ng mabuti at dagdagan ang inyong pagsasanay sa matataas na lugar.

Mapalad na patakbo: Milo Marathon.

Mapalad na kamiseta: Luntian

Taurus Taurus (Abril 20-Mayo 20) – Maswerte ka sa taon na ito dahil ikaw ay posibleng mananalo ng supot mula kay abbyjocson.com.

Mapalad na patakbo: PSE Bull Run

Mapalad na kamiseta: Itim at puti na guhitan.

Gemini (Mayo 21-Hunyo 20) – Kambal na swerte ang makakamtan mo ngayon taon dahil matatagpuan mo ang inyong kapares na kaluluwa sa isang paligsahan sa pagtakbo.  Siguraduhin mabango ka sa mga paligsahan na ito.

Mapalad na patakbo: Fit and Fun Buddy Run

Mapalad na kamiseta: Pulang-pula

Cancer (Hunyo 21-Hulyo 22) – Dadapuan ka ng pinsala sa inyong paa dahil sa pagtakbo lalo na ang ey-tee-bee-is.  Ugaliin na banatin ang iyong mga kalamnan para maiwasan ito.

Mapalad na patakbo: San Mig Bay Run

Mapalad na kamiseta: Melokoton

Leo (Hulyo 23-Agusto 22) – Maabot mo ang inyong pangarap na makapag pee-ar nitong taon at ito ay sa isang ultramarathon.  Malaking tulong ang hindi pagdala ng inumin habang tumatakbo para walang masasayang na segundo.

Mapalad na patakbo: BDM102

Mapalad na kamiseta:  Tanso

Virgo (Agusto 23-Setyembre 22) – Sikapin na makatakbo sa isang bagong lugar o sa isang bagong layo.  Ito’y makabubuti sa iyo dahil hindi ka masyado nakatakbo nitong nakalipas na taon.

Mapalad na patakbo: Dubai Marathon

Mapalad na kamiseta:  Kayumanggi

Libra (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mainam na bumili ka na ng gilingang pinepedalan.  Ito’y may pabihira na swerte na maibibigay sa inyong pagtakbo sa taon.

Mapalad na patakbo: Takbo.ph Runfest

Mapalad na kamiseta:  Puti

Scorpio (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi ka mapipinsala sa taon na ito.  Ngunit iitim naman ng masyado ang balat mo kung tatakbo ka nang walang saplot sa katawan.

Mapalad na patakbo: New Balance Power Race

Mapalad na kamiseta:  Matingkad na dilaw

Sagittarius (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mabibigyan ka ng maraming sapatos ngayong taon.  Subalit posible na hindi ito angkop sa haba ng paa mo.  Isa dito ay kulay rosas.

Mapalad na patakbo: Cebu Marathon

Mapalad na kamiseta: Malarosas

Capricorn (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi ka papayat dahil sa pagtakbo.  Lalo kang tataba kung hindi ka iiwas sa pagkain ng mataba at matatamis na putahe.  Higit na dapat mong iwasan ang masarap na leche flan ni Margalicious.

Mapalad na Patakbo:  Adidas King of the Road

Mapalad na kamiseta:  Lila

Aquarius (Enero 20-Pebrero 18) – Marami kang artistang makakasama sa mga patakbo.  Dahil dito, isang malaking rebelasyon ang sasabog sa inyong pakihalubilo sa isang kilala na personalidad.

Mapalad na Patakbo:  Unilab Run United

Mapalad na kamiseta:  Mapusyaw na kahel

Pisces (Pebrero 19-Marso 20) – Matutupad ang pangarap mo na maging Taong Bakal.  Mabilis mong matatapos nag paglangoy sa palighasan ngunit mahihirapan ka sa pagbibisikleta.

Mapalad na Patakbo:  70.3 Ironman Philippines

Mapalad na kamiseta:  Bahaghari

 

Pagtatatuwa:  Ang nakasulat dito ay yari sa kathang isip ng manunulat.  Anomang pagkahawig nito sa totoong buhay ay pawang pagkakataon lamang.

Just for fun.  Happy New Year Everyone.  😀